2022 PH presidential race

BOSES NG KALYE: Ano ang hinahanap ng mga Negrense sa susunod na pangulo?

Rappler.com
BOSES NG KALYE: Ano ang hinahanap ng mga Negrense sa susunod na pangulo?
Ilan sa mga Negrense ay 'undecided' pa rin, pero gusto nilang tugunan ng susunod na presidente ang pandemya at kahirapan

Sa probinsiya ng Negros Occidental, tila magbubuno para sa pinakamataas na posisyon sa bansa si Vice President Leni Robredo at ang kanyang karibal na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang anak ng yumaong diktador na ngayo’y nangunguna sa mga survey ilang buwan bago ang eleksyon sa Mayo.

Noong 2016 vice-presidential elections, nilampaso ni Robredo si Marcos sa Negros Occidental. Hindi ito nakagugulat dahil noong 1980s, nagkaroon ng matinding taggutom sa probinsiyang ito dala ng monopolyo sa kalakalan ng asukal sa ilalim ng administrasyon ni Ferdinand Marcos, tatay ni Bongbong.

Ngunit mahigit tatlong dekada ang nakalipas, nag-iba na ang ihip ng hangin sa Negros. Si Vice Governor Jeffrey Ferrer, kasama ang 28 sa 31 na mayors ng probinsiya, ay sumusuporta kay Marcos.

Si Governor Eugenio Jose “Bong” Lacson naman – kaalyado ang tatlong natitirang mayors na sina Alfredo “Thirdy” Maranon III ng Sagay, Salvador Escalante Jr. ng Cadiz, at Gina Montilla-Lizares ng Sipalay – ay nag-endorso na kay Robredo.

Kaunti man ang mga pulitikong sumusuporta kay Robredo, labis-labis naman ang dedikasyon ng kanyang mga “Kakampink” na nag-organisa ng kanyang rallies na gaganapin sa probinsiya sa Biyernes, Marso 11.

Ganito rin kaya ang magiging boto ng mga Negrense? Sa pag-iikot ng Rappler sa Bacolod City, may mga napupusuan nang kandidato ang ilang mga botante na galing sa iba’t ibang bahagi ng Negros Occidental. Pero ang iba, “undecided” pa rin.

Marami sa mga isyung gusto nilang pagtuunan ng pansin ng susunod na pangulo ng Pilipinas ay ang pandemya at pagtugon sa problema ng kahirapan at ang mataas na presyo ng bilihin.

Panoorin ang episode na ito ng Boses ng Kalye. – Rappler.com

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!