Fact check - gov't services/laws

FACT CHECK: ‘Di sinabi sa education report 2023 na tutuldukan na ang K-12 program

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

FACT CHECK: ‘Di sinabi sa education report 2023 na tutuldukan na ang K-12 program
Ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte ongoing pa ang review ng kanyang departamento sa K-12 curriculum

Ang sabi-sabi: Tutuldukan na raw ang K-12 program matapos umaksiyon sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte. 

Pinamagatan ang isang YouTube video: “KAKAPASOK LANG GRABE! PBBM at VPSARA NILUSOB ang DEPED, K-12 PROGRAM ni PNOY OFFICIAL ng TINANGGAL?!”

Ginamit din sa video ang clip ng mensahe nina Marcos at Duterte sa ginanap na Basic Education Report (BER) 2023. Sa kahabaan ng kanilang mensahe ay nakalagay ang mga tekstong “GOODNEWS! K-12 PROGRAM TUTULDUKAN NA! PRES BBM at VP SARA UMAKSYON NA!” (sic).

Marka: HINDI TOTOO

Bakit kailangang i-fact-check:  Ang YouTube video na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroon nang 31,121 views. Kahit ginanap na ang report ng DepEd kung saan ibinahagi ni Duterte ang updates sa ginagawang review ng K-12, patuloy pa rin ang pagpapakalat ng maling sabi-sabi hinggil sa umano’y pagbuwag ng K-12 program

Ang katotohanan: Hindi binanggit ni Marcos at Duterte na tatanggalin na ang K-12 curriculum sa kanilang talumpati sa ginanap na BER noong Enero 30. 

Sa halip, sinabi ni Duterte na ongoing pa ang review nila ng curriculum nito. Sa kasalukuyan, nakita raw ng kanyang departamento na “congested” ang curriculum ng K-12 na programa. Ang ilan daw sa mga prerequisites ng ilang natukoy na learning competency ay nawawala o “misplaced” sa curriculum. 

Ibinahagi rin ni Duterte na kasalukuyang isinasapinal ang curriculum ng Kinder hanggang Grade 10, habang nasa ilalim pa ng review ang curriculum ng senior high school. 

Sa naging talumpati ng Pangulo hindi rin binanggit na tutuldukan na ang K-12 program.

Muli, kailangan ng panibagong batas kung bubuwagin ang K-12 na programa. Sa kasalukuyan, walang batas, kahit panukalang batas na nakahain sa Kongreso, na naglalayong buwagin ito.– Ailla Dela Cruz/Rappler.com

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!