Fact Checks about media

FACT CHECK: Ibinalita ng media ang 7.6% GDP growth rate ng Pilipinas

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

FACT CHECK: Ibinalita ng media ang 7.6% GDP growth rate ng Pilipinas
Sa ulat ng GMA, ABS-CBN, at TV5, ibinalita ring ang GDP growth rate na ito ang pinakamataas na naitala magmula noong 1976

Ang sabi-sabi: Tahimik ang media hinggil sa 7.6% na gross domestic product (GDP) growth rate ng Pilipinas.

Nakalagay ang tekstong “TAHIMIK ANG MEDIA?” sa thumbnail ng video na pinamagatang “MEDIA TAHIMIK DITO? 7.6% GDP GROWTH NG PILIPINAS PINAKAMATAAS SINCE 1976 BUONG DETALYE HETO NA.”

Marka: HINDI TOTOO

Bakit kailangang i-fact-check: Ang post na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroong 9,100 na views sa kasalukuyan. 

Ang katotohanan: Ibinalita ng media ang anunsiyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Enero 26, 2023 kung saan sinabing naitalang nasa 7.6% ang GDP growth ng bansa sa 4th quarter ng taong 2022.

Ang nasabing anunsiyo ay inulat ng mga broadcasting network kagaya ng GMA, ABS, TV5 sa mismong araw kung kailan ito inanunsiyo. Sa ulat ng tatlo, kasama ang pahayag ni National Statistician Dennis Mapa na ang GDP growth na ito ang pinakamataas na naitala magmula pa noong 1976. 

Inilathala naman ng iba pang mga kilalang media ang balita hinggil sa GDP growth ng Pilipinas sa kanilang online news site, gaya ng Inquirer, Philstar, Manila Bulletin, sa kaparehong araw din. Maging ang Rappler ay ibinalita ito. – Ailla Dela Cruz/ Rappler.com

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!