MANILA, Philippines – Madalas nating makita sa social media ang sumbatan ng magkakatunggaling kampo sa eleksiyon: “Ano ang ambag mo” o ng iyong kandidato sa pagsusulong ng interes ng bayan? Madalas ding tanong iyan ngayong kampanya sa 2022 elections na lumalakas ang pagkilos ng mga boluntaryo: “Ano ang ambag mo” sa kampanya ng napupusuang kandidato?
Sa Episode 9 ng Ask Your Election Lawyer, pag-uusapan natin ang dalawang klase ng donasyon o kontribusyon sa kampanya: cash at in-kind (campaign paraphernalia, talento, o serbisyo). Kailan dapat ideklara ng kandidato sa kanyang expenditure report ang mga kontrbusyon, at kailan hindi? Ang gastos ba na galing sa bulsa ng volunteers ay dapat ibilang sa limitasyon ng puwedeng gastusin ng kandidato?
Pag-uusapan din natin ang mga kakulangan ng batas at patakaran tungkol sa mga milyon-milyong kontribusyon na sumosobra pero hindi kailangang isauli ng kandidato, at sa maliliit na ambag na hindi maibigay ng mga tagasuporta ng kandidato dahil komplikado at mas mahal pa ang mga dokumentong hinihingi sa kanila ng Commission on Elections.
Samahan natin sina Rappler investigative editor Miriam Grace A. Go at election lawyer and Rappler columnist Emil Marañon ngayong Lunes, Abril 18, ika-6 ng gabi. – Rappler.com
Panoorin o pakinggan ang iba pang episode ng Ask Your Election Lawyer:
- Ask Your Election Lawyer: Oplan Baklas
- Ask Your Election Lawyer: Permit dito, permit doon
- Ask Your Election Lawyer: Tigil-proyekto, tigil-serbisyo?
- Ask Your Election Lawyer: Promises = Vote Buying?
- Ask Your Election Lawyer: ‘Pag government employee, bawal?
- Ask Your Election Lawyer: Libre-kampanya ng nakaupo?
- Ask Your Election Lawyer: Malayo man, malapit din…ang boto
- Ask Your Election Lawyer: ‘Hindi kami bayad – abonado pa!’