2022 Philippine Elections

Ask Your Election Lawyer: Permit dito, permit doon

Rappler.com
Ask Your Election Lawyer: Permit dito, permit doon
Bakit kailangang kumuha ng Comelec permit para sa campaign activities?

MANILA, Philippines – Sa unang araw ng kampanya noong Pebrero 8, muntik nang hindi makapag-proclamation rally si presidential bet Leody de Guzman sa Quezon City. Ang rason: walang permit mula sa Commission on Elections (Comelec). 

Kinabukasan, isang motorcade or caravan naman na inihanda ng supporters ni presidential candidate Isko Moreno Domagoso ang hindi natuloy sa lalawigan ng Rizal. Ang dahilan din: walang permit mula sa Comelec. 

Hindi na bago ang rekisito na mag-apply ng permit mula sa lokal na pamahalaan kung may aktibidades sa isang lugar tuwing panahon ng kampanya. Ang bago ngayong 2022, dahil nasa gitna tayo ng pandemya, ay ang pangangailangan para sa bukod na permiso ng Comelec para sa campaign activities. 

Bumuo ng Comelec Campaign Committee sa bawat munisipyo, siyudad, probinsiya, at rehiyon, at sa central office nito para magbigay ng permit sa campaign activities. Ang bawat komite ay pinamumunuan ng election head ng kinauukulang lebel o lokalidad, at may representante ng Department of Health, Department of the Interior and Local Government, Philippine National Police, at Armed Forces of the Philippines. 

Walang masama kung nais ng Comelec na siguruhing hindi magiging takapagkalat ng coronavirus ang campaign activities. Pero dumaraing ang mga nag-oorganisa ng kampanya, maging ang volunteers ng mga kandidato, sa ibaba. Ubos-oras daw, komplikado, minsan ay hindi makatuwiran, magastos, at may kalabuan ang mga patakaran ng Comelec tungkol sa permits.    

Alam ‘nyo bang dapat i-apply ng permit ang bawat araw ng kampanya? At kailangan ding mag-file ng kandidato ng affidavit of compliance pagkakatapos ng bawat araw? Kung sa pribadong lugar gaganapin ang kampanya, may dagdag na permit pang ipepresenta sa Comelec. 

Kung volunteer group o pribadong organisasyon kayo na sumusuporta sa kandidato, kailangang kumuha ng permit sa aktibidad kahit hindi darating ang kandidato. Pero hindi rin puwedeng mag-apply kung walang special power of attorney mula sa kandidato. Ang dagdag na dilema: kung magbibigay ng SPA ang kampo ng kandidato, ang gastos ba sa campaign activity na iyon, kahit galing sa bulsa ng volunteers, ay papatak na metro ng limitadong spending limit ng kandidato? 

Nauna nang nagsulat ng explainer si Attorney Emil Marañon tungkol sa paksang ito: How pandemic campaign rules are open to abuse, sow confusion. Sa Episode 2 ng Ask Your Election Lawyer, itatanong ni Rappler investigative editor Miriam Grace A. Go sa kanya ang mga kaugnay na isyu. 

I-bookmark ang pahinang ito para manood o makinig sa talakayan ngayong Lunes, Pebrero 28, ika-7 ng gabi. – Rappler.com

Panoorin o pakinggan ang iba pang episode ng Ask Your Election Lawyer

 

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!