MANILA, Philippines – Mahigit 1.6 milyong Filipino sa ibang bansa ang rehistradong bumoto sa 2022 Philippine elections – at, hindi katulad ng mga kababayan na narito sa Filipinas, mauuna na silang bumoto bago pa mag-Mayo 9.
Sa Linggo, Abril 10, magsisimula ang isang buwan na panahon ng pagboto ng overseas Filipino voters. Sa mga bansa na may mahigit sa 10,000 botante, automated ang pagboto; sa mga bansang kakaunti ang botante, manwal ang pagboto. May mga bansang puwedeng pisikal na pumunta sa embahada o konsulado ang Filipino para bumoto; may mga bansang kailangang ipadala sa koreo ang balota.
Marami pang aspekto ang ipaliliwanag at praktikal na mga tanong na sasagutin ni Attorney Emil Marañon sa Episode 7 ng Ask Your Election Lawyer, kasama si Rappler investigative editor Miriam Grace A. Go. Halimbawa:
- Ano ang gagawin ng overseas voter kung lumipat siya ng tirahan matapos magparehistro?
- Paano kung nagpalit ng apelyido ang botante?
- Puwede pa bang mangampanya ang mga kandidato sa overseas voters kung nagsimula na silang bumoto Abril 10 pa lamang?
- Paano masisigurong hindi nadaraya ang boto ng mga Filipino abroad kung staff lamang ng mga embahada o konsulado ang nangangasiwa sa botohan?
Samahan ninyo kami sa Ask Your Election Lawyer sa Lunes, Abril 4, ika-7 ng gabi. – Rappler.com
Panoorin o pakinggan ang iba pang episode ng Ask Your Election Lawyer:
- Ask Your Election Lawyer: Oplan Baklas
- Ask Your Election Lawyer: Permit dito, permit doon
- Ask Your Election Lawyer: Tigil-proyekto, tigil-serbisyo?
- Ask Your Election Lawyer: Promises = Vote Buying?
- Ask Your Election Lawyer: ‘Pag government employee, bawal?
- Ask Your Election Lawyer: Libre-kampanya ng nakaupo?
- Ask Your Election Lawyer: ‘Hindi kami bayad – abonado pa!’
- Ask Your Election Lawyer: Ano ang ambag mo?