Fact checks on public officials

HINDI TOTOO: Sinabi ni Robredo na may sorpresa siya kasama ng mga komunista sa inagurasyon ni Marcos

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

HINDI TOTOO: Sinabi ni Robredo na may sorpresa siya kasama ng mga komunista sa inagurasyon ni Marcos
Walang relasyon kay Bise Presidente Leni Robredo o ang kanyang organisasyon na Angat Buhay, ang Twitter account na pinagmulan ng kasinungalingang ito
Buod
  • Ang sabi-sabi: Sinabi ni Bise Presidente Leni Robredo na may sorpresa siya kasama ng Communist Party of the Philippines (CPP), National People’s Army (NPA), at National Democratic Front (NDF) o ang CPP-NPA-NDF sa inagurasyon ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang pangulo sa Hunyo 30, 2022. 
  • Marka: HINDI TOTOO. Sumasang-ayon ang Rappler sa markang “Hindi Totoo” na nauna nang ibinigay ng InterAksyon sa kanilang fact check sa sabi-sabing ito.
  • Ang katotohanan: Walang relasyon kay Bise Presidente Leni Robredo o ang kanyang organisasyon na Angat Buhay, ang Twitter account na pinagmulan ng kasinungalingang ito. 
  • Bakit kailangang i-fact-check: Ang sabi-sabi ay pinapakalat ng isang Twitter account na nagpapanggap na opisyal na Twitter account ng Angat Buhay NGO. 
Mga detalye 

Mula Hunyo 21, kumakalat ang isang tweet ng @NewGovABF, isang Twitter account na nagpapanggap bilang ang opisyal na account ng Angat Buhay NGO, ang organisasyon na naunang inanunsiyo ni Bise Presidente Leni Robredo ngunit ilulunsad pa lamang sa Hulyo 1, 2022. 

Hindi totoo ang sabi-sabing ito. 

Walang relasyon ang Twitter account na pinagmulan ng kasinungalingang ito kay Robredo, sa opisina ng Bise Presidente, o ang kanyang organisasyon na Angat Buhay. 

Wala ring opisyal na ulat, recording, o dokumento na nagbigay ng kahit anumang pahayag kagaya nito si Robredo. 

Hindi pa ring nagbigay ng kahit anumang pahayag si Robredo tungkol sa inagurasyon ni Marcos. 

Ilang beses nang pinagbintangan si Robredo na may koneksiyon sa mga komunista, at na fact-check na ng Rappler ang ilang sabi-sabing ganito:

– Sofia Guanzon/Rappler.com kasama ng InterAksyon 

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!