Ferdinand Marcos Jr.

Marcos Imbento, Bistado: Hindi proyekto ni Marcos Jr. ang Bangui windmills

Rappler.com
Marcos Imbento, Bistado: Hindi proyekto ni Marcos Jr. ang Bangui windmills
Sinabi na mismo ni Ferdinand Marcos Jr. noong 2010 na ang Bangui windmills ay 'private commercial enterprise' at hindi proyekto ng gobyerno

MANILA, Philippines – Malaking parte ng imahen ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Bangui Bay Wind Farm, o Bangui windmills, sa Ilocos Norte. Nakikita ito sa kaniyang mga Youtube video, pati na rin sa political advertisements na napapanood sa telebisyon para sa kanyang kandidatura sa pagkapangulo ngayong paparating na eleksiyon.

Ngunit kahit na itinayo ang Bangui windmills noong 2005 kung kailan siya nanilbihang gobernador, hindi niya ito proyekto. Hindi niya rin ito ideya.

Siya mismo ang nagsabi sa isang interbiyu noong 2010 na hindi ito proyekto ng gobyerno, sa halip ay isa itong “private commercial enterprise.”

Panoorin ang Tiktok explainer nina Rappler multimedia reporter Rambo Talabong at researcher-writer Jodesz Gavilan para malaman kung bakit mali na inaangkin ang Bangui windmills bilang proyekto ng anak ng diktator, at kung sino nga ba ang nagpatayo’t gumastos para rito.

@rambotalabong San galing ang windmills ng Ilocos Norte? #phnews #tiktokexplainers #bbm #rappler #ilocosnorte #newsph ♬ original sound – Rambo Talabong

Puwede mo ring basahin ang fact check na ito para sa marami pang impormasyon tungkol sa Bangui windmills: HINDI TOTOO: Proyekto ni Bongbong Marcos ang Bangui Wind Farm sa Ilocos Norte.

Maraming paraan para sukatin ang pamamahala ng isang pulitiko. So kumusta nga ba si Marcos Jr. bilang gobernador ng Ilocos Norte? Basahin ang mga sumusunod:

Ang Marcos Imbento, Bistado ay isang Rappler series kung saan titibagin ang mga kasinungalingan at kathang isip na bumabalot sa pamilyang Marcos at sa Martial Law. – Rappler.com

Basahin ang iba pang Marcos Imbento, Bistado: