SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

MANILA, Philippines – Malaking kasinungalingan ang sinasabi ng pamilyang Marcos na dahil lamang sa politika at eleksiyon kaya ibinabato sa kanila ang iba’t ibang isyu tungkol sa kanilang mga nakaw na yaman, abuso noong Martial Law, at ang hindi pa binabayarang estate tax.
Niloloko lamang ng mga Marcos ang taumbayan kung ito ay kanilang ipipilit. Napakaraming pruweba na ilang dekada na rin silang sinisingil sa kanilang mga kasalanan sa mga Pilipino.
Pero anong nangyari? Tinatakbuhan ng mga Marcos ang kanilang mga atraso. Maraming beses pa ngang pilit nilang binubura o binabaliktad ang kuwento.
Panoorin ang TikTok explainer ni Rappler multimedia reporter Rambo Talabong, batay sa research ni Jodesz Gavilan, para malaman kung gaano na nga ba katagal hinahabol ng gobyerno ang pamilyang Marcos para panagutin sila sa mga atraso nila sa Pilipinas.
@rambotalabong Matagal nang sinisingil ang mga Marcos, matagal na rin silang tumatakbo. #marcos #marcosph #bbm #ferdinandmarcos #martiallaw #newsexplainer –#rappler ♬ original sound – Rambo Talabong
Isipin mo, wala pang ilang buwan pagkatapos mapatalsik ang diktador na si Ferdinand Marcos noong 1986 ay kaagad nang itinatag ang Presidential Commission on Good Government (PCGG). Gumalaw agad sila upang mabawi ang mga nakaw na yaman ng mga Marcos.
Sa tatlong dekada nilang paghahabol sa mga nakaw na yaman, naka-recover na sila ng P174.2 billion na ill-gotten wealth at may hinahabol pang P125.9 billion. Bakit umabot nang ganito katagal? Ayon sa dating PCGG commissioner na si Ruben Carranza, isang dahilan ay magaling ang modus ng pagtatago ng mga Marcos.
Matagal na ring hinahabol ang hustisya para sa libo-libong biktima ng pang-aabuso noong Martial Law. Pero ni kailanman ay hindi humingi ng kapatawaran ang pamilya ng diktador.
Ang mga pangyayaring ito ay ang rason kung bakit hindi na rin nakakagulat na ang P23 billion na estate tax ay hindi nila binayaran, kahit na mismong Korte Supreme na ang nag-utos noong 1997 na magbayad ang pamilyang Marcos.
Dahil sa napakaraming taon na hindi ito nabayaran, lumobo na ang kanilang utang na buwis sa P203 billion dahil sa mga multa at interes.
Pero ngayon, nagsisinungaling na naman ang pamilyang Marcos at sinasabing hindi pa tapos ang isyung ito sa korte. Nandyan pa si Senator Imee Marcos na kinukuwestiyunin ang pag-usbong ng isyu ito laban sa kanyang kapatid na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Mas mainam yatang kuwestiyunin ng publiko kung bakit gustong bumalik ng pamilyang Marcos sa Malacañang. Tila isa na naman itong paraan para takbuhan at tuluyang burahin ang kanilang mga kasalanan at pananagutan.
Basahin ang iba pang Rappler articles at opinion pieces tungkol sa kung paano pilit tinatakbuhan ng pamilyang Marcos ang kanilang pananagutan:
- If Marcos never saw gold, why tell court gold was their source of wealth?
- While Marcos evades tax question, supporters spread fake news
- WATCH: Marcos walks away from question of unpaid P23B estate tax
- Election disinformation efforts target to damage Robredo’s image, boost Marcos Jr.’s
- Networked propaganda: How the Marcoses are using social media to reclaim Malacañang
- Networked Propaganda: How the Marcoses are rewriting history
- Networked propaganda: False narratives from the Marcos arsenal
Maaari ring basahin, pakinggan at panoorin ang iba pang Rappler articles, explainers at interviews tungkol sa estate tax ng nga Marcos:
- SC record shows Marcos estate tax final in 1999, unpaid until now says DOF
- Facts and lies: the Marcoses’ unpaid estate tax
- [PODCAST] Law of Duterte Land: Explaining Marcos’ P203-B estate tax debt
- WATCH: Law of Duterte Land – Is Marcos Jr. liable for P203 billion estate tax?
Ang Marcos Imbento, Bistado ay isang Rappler series kung saan tinitibag ang mga kasinungalingan at kathang-isip na bumabalot sa pamilyang Marcos at sa Martial Law. – Rappler.com
Basahin ang iba pang Marcos Imbento, Bistado:
- ‘Unity’ ginagamit ni Ferdinand Jr. na pantakip sa mga atraso
- 21 years na opisyal, laging absent si Ferdinand Jr. sa Ilocos Norte
- Ilusyon lang ni Ferdinand Sr. ang pagiging war hero
- Hindi ‘pasaway’ ang mga dinukot, pinatay ng diktadura
- Proyektong ginastusan, walang pakinabang
- Naghirap ang mga Filipino sa ilalim ni Marcos
- Ang kasalanan ni Senior, kasalanan ni Junior
- Convicted na magnanakaw kahit hindi nakakulong
- Hindi proyekto ni Marcos Jr. ang Bangui windmills
- Walang Tallano Gold – wala, wala, wala!
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.