
MANILA, Philippines – Paulit-ulit na lumalabas sa social media ang mga bidyo at artikulo na nagsasabing may milyon-milyong tolenadang ginto diumano ang pamilya ng tumatakbong presidente na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. – at ipapamimigay daw ito sa mga Pilipino kapag nanalo siya.
Ang sabi sa posts sa TikTok, YouTube, at Facebook, galing daw ang yaman na ito sa isang Tallano royal family dahil naging abogado nila si Ferdinand Marcos, ang tatay ni Junior, bago ito pumasok sa pulitika at naging diktador.
Kasinungalingan lahat ito. Mismong ang ate ni Bongbong na si Senator Imee Marcos nga ang nagsabing “urban legend” ito.
Panoorin ang Tiktok explainer nina Rappler multimedia reporter Rambo Talabong at researcher-writer Jodesz Gavilan para malaman bakit napakalaking kasinungalingan ang diumanong Tallano gold, at kung bakit hindi totoo na mabibiyayaan ang mga Pilipino ng ginto kung manalo si Bongbong Marcos.

Walang mapagkakatiwalaan o opisyal na mga dokumento, kahit na mga pahayag mismo, na nagsasabi na mayroon ngang Tallano gold.
Ni hindi nga lalagpas sa 200,000 metric tons ang namiminang ginto sa kasaysayang ng buong mundo, paano magkakaroon ang mga Marcos ng milyon-milyong tonelada?
Basahin ang fact-check articles ng Rappler tungkol sa Tallano gold at yaman ng mga Marcos:
- FALSE: Filipino ‘royal family’ ruled over pre-colonial ‘Maharlika kingdom’
- [WATCH] ’Yung Totoo?: Fact check ukol sa kayamanang ginto ng mga Marcos
- FALSE: Marcos family owns a ‘million tons of gold’
- HINDI TOTOO: Nagmamay-ari ng ‘milyong tonelada ng ginto’ ang pamilyang Marcos
- FALSE: Philippines is country with highest gold reserves
- FALSE: Ferdinand Marcos inherits Jose Rizal’s gold in Vatican Bank
- FALSE: Marcos family owns ‘$2 quadrillion’ worth of gold
- HINDI TOTOO: Iniulat ng New York Times na nawawala ang ginto sa ilalim ng Ground Zero
- FALSE: People’s Bank of China safekeeping receipt of Marcos gold
- FALSE: Ferdinand Marcos’ Letter of Instruction for Bagong Lipunan currency
- FALSE: November 15, 1985, WSJ issue says two-thirds of world’s gold is in PH
- HINDI TOTOO: May hatol ang ICJ tungkol sa ginto ni Marcos
- FALSE: International Criminal Court’s 1976 ruling on Marcos gold
- FALSE: AP YouTube video shows Marcos ordering banks to release his gold wealth
Ang Marcos Imbento, Bistado ay isang Rappler series kung saan titibagin ang mga kasinungalingan at kathang isip na bumabalot sa pamilyang Marcos at sa Martial Law. – Rappler.com
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.