
MANILA, Philippines – Biktima nga ba ng propaganda at maling impormasyon ang pamilya ng diktador na si Ferdinand Marcos? Kinakawawa lang ba talaga ang pamilyang Marcos mula noong sila’y mapatalsik noong 1986 at lalo na ngayong tumatakbo sa pagkapangulo si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.?
Hindi ito totoo. Malaking kasinungalingan ang mga sabi-sabi na sila ang inaagrabyado.
Panoorin ang TikTok explainer ni Rappler multimedia reporter Rambo Talabong, batay sa research ni Jodesz Gavilan, para malaman kung bakit ang totoong kawawa dito ay ang mga Filipino na niloloko ng pamilyang patuloy na nakikinabang sa mga nakaw na yaman.
@rambotalabong History is written by the victors? Outdated na yan. #marcos #phhistory #kasaysayan #bbm #phnews #rappler #tiktokexplainer ♬ original sound – Rambo Talabong
Hindi naman kuwentong barbero ang mga kritisismo laban sa mga Marcos. Lahat ng ito’y suportado ng mga dokumento, datos, at mga pag-aaral na may kredibilidad at hindi lamang hinugot sa ere.
Una, dokumentado ang mga kasalanan ng pamilya Marcos mula pa sa panahon ng diktadura ng matandang Ferdinand. Nagkaroon na nga ng batas na nagbigay danyos sa libo-libong biktima ng pang-abuso noong Martial Law, habang bilyon-bilyon na rin ang nabawi ng Presidential Commission on Good Government.
Mismong Korte Suprema na rin ang nagsabi noong 2003 na nakaw na yaman ang $658 milyon na nakalagay sa Swiss “foundations” ng mga Marcos. At si Imelda Marcos? Nahatulan na ng Sandiganbayan noong 2018 na guilty sa pandarambong.
Pangalawa, napatunayan na ng mga pag-aaral na si Marcos Jr. ang pinakanakikinabang sa malawakang disinformation network, o iyong mga “fake news” na talamak ngayong eleksiyon. Samantalang ang mga kritiko at mga journalist ay naging biktima ng pang-aatake ng Facebook accounts na konektado kay Marcos Jr.
Pangatlo, ang pamilyang Marcos na rin mismo ang sangkot sa mga kasinungalingang ito. Nadiskubre ng Rappler na bago pa man ang eleksiyon noong 2016, kung saan tumakbo at natalo sa pagkabise presidente si Marcos Jr., ay nagsimula nang lumawak ang disinformation network na naglayong baluktutin ang kasaysayan para paboran ang mga Marcos.
Pilit nilang gustong burahin ang mga abusong nangyari sa ilalim ng Martial Law at pabanguhin ang imahen ng kanilang pamilya.
Sino talaga ang biktima ng maling impormasyon at propaganda? Ang mga Filipino na patuloy na niloloko ng pamilyang Marcos, na nais pagtakpan at burahin ang kanilang mga kasalanan sa Filipinas.
Basahin ang iba pang Rappler articles at opinion pieces tungkol sa kung paano pilit tinatakbuhan ng pamilyang Marcos ang kanilang pananagutan:
- Tracking the Marcos disinformation and propaganda machinery
- Networked propaganda: How the Marcoses are using social media to reclaim Malacañang
- Networked Propaganda: How the Marcoses are rewriting history
- Networked propaganda: False narratives from the Marcos arsenal
- From fringe to mainstream: Tracing the myth of the Marcos gold online
- Bongbong Marcos asked Cambridge Analytica to ‘rebrand’ family image
- Marcos Jr.’s campaign reaping benefits of years of disinformation – experts
- Election disinformation efforts target to damage Robredo’s image, boost Marcos Jr.’s
- Pro-Marcos, Duterte accounts step up attacks on journalists as 2022 polls near
- Pro-Duterte, Marcos FB accounts often attack election rivals – study
- Marcos network tries to take over Twitter with freshly-made accounts
- Twitter suspends over 300 accounts in Marcos network
- SparkToro tool shows Marcos with 42.6% ‘fake followers’ on Twitter, Moreno with 40.5%
Ang Marcos Imbento, Bistado ay isang Rappler series kung saan tinitibag ang mga kasinungalingan at kathang-isip na bumabalot sa pamilyang Marcos at sa Martial Law. – Rappler.com
Basahin ang iba pang Marcos Imbento, Bistado:
- Dati nang sinisingil, lagi lang tumatakbo
- ‘Unity’ ginagamit ni Ferdinand Jr. na pantakip sa mga atraso
- 21 years na opisyal, laging absent si Ferdinand Jr. sa Ilocos Norte
- Ilusyon lang ni Ferdinand Sr. ang pagiging war hero
- Hindi ‘pasaway’ ang mga dinukot, pinatay ng diktadura
- Proyektong ginastusan, walang pakinabang
- Naghirap ang mga Filipino sa ilalim ni Marcos
- Ang kasalanan ni Senior, kasalanan ni Junior
- Convicted na magnanakaw kahit hindi nakakulong
- Hindi proyekto ni Marcos Jr. ang Bangui windmills
- Walang Tallano Gold – wala, wala, wala!
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.