
MANILA, Philippines – Pagkakaisa ang pilit na ibinabandera ng anak ng diktador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang pagtakbo sa pagkapangulo.
Para sa kanya, ito ang sagot sa maraming problemang kinakaharap ng mga Pilipino. Unity raw ang susi sa isang kinabukasang mapayapa at maayos para sa Pilipinas.
Hindi naman maikakaila kung gaano kaimportante ang pagkakaisa, pero masyado yatang taliwas ang diwa nito sa isinasabuhay ni Marcos at galaw ng kanyang kampo.
Panoorin ang TikTok explainer ni Rappler multimedia reporter Rambo Talabong, batay sa research ni Jodesz Gavilan, para malaman kung paano ginagamit ni Marcos ang mensahe ng unity or pagkakaisa para pagtakpan ang mga kasalanan at umiwas sa mga pananagutan ng kanyang pamilya.
@rambotalabong Para kay #BBM, pagkakaisa ang sagot sa mga problema ng Pilipinas. Ano ang pagkakaisa para sa kanya? #halalan2022 #phvote #phnews #balita #rappler #eleksyon2022 ♬ original sound – Rambo Talabong
Unang-una, ni hindi pa nga siya humihingi ng tawad sa mga pang-aabusong ginawa ng kanyang ama at pamilya noong Martial Law.
Sabi pa niya, makaraan na hindi siya humarap sa journalist na si Jessica Soho, wala nang silbi kung isasama pa sa mga usapan ang mga nangyari noong dikdatura ng kanyang ama, pati na rin ang malawakang pagnanakaw ng kanyang pamilya. Para sa kanya, equivalent ng pagiging anti-Marcos ang pagiging “biased,” kahit na katotohanan naman ang lahat ng inihahayag mo.
Makikita rin na si Marcos ang pinakanakikinabang sa disinformation network, o iyong mga “fake news” na kumakalat sa internet ngayong eleksiyon. Negatibo naman ang epekto nito sa kanyang mga kritiko at katunggali, tulad ni Vice President Leni Robredo.
Makikita mo rin sa mga tumatakbong senador sa kanyang tiket kung gaano kataliwas sa kanilang pagkatao ang hangaring unity. Nandiyan si Sagip Representative Rodante Marcoleta, na isa sa mga sumuporta sa pagpasara ng ABS-CBN na nagresulta sa pagkawala ng trabaho ng libo-libong manggagawa. Nariyan din ang nasuspindeng abogado na si Larry Gadon na kung anu-anong atake ang ginagawa sa mga mamamayan. Pareho silang mga loyalista na patuloy na nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa Martial Law.
Kung nais ni Marcos ang pagkakaisa, bakit hindi niya kayang harapin ang katotohanan na napakalaki ng kasalanan ng kanyang ama at pamilya sa bansa? Tila ang pagkakaisa na hangad ni Marcos ay isa lamang paraan para tuluyang mabura ang mga kasalanan nila sa Pilipinas.
Basahin ang iba pang Rappler articles at opinion pieces tungkol sa plataporma ni Marcos:
- In campaign launch, Marcos sticks to message of unity
- Election disinformation efforts target to damage Robredo’s image, boost Marcos Jr.’s
- Networked propaganda: How the Marcoses are using social media to reclaim Malacañang
- Networked Propaganda: How the Marcoses are rewriting history
- Networked propaganda: False narratives from the Marcos arsenal
- [ANALYSIS] ’Di puwedeng puro ‘unity’ at good vibes lang
- [OPINION] The problem with unity
Ang Marcos Imbento, Bistado ay isang Rappler series kung saan tinitibag ang mga kasinungalingan at kathang-isip na bumabalot sa pamilyang Marcos at sa Martial Law. – Rappler.com
Basahin ang iba pang Marcos Imbento, Bistado:
- 21 years na opisyal, laging absent si Ferdinand Jr. sa Ilocos Norte
- Ilusyon lang ni Ferdinand Sr. ang pagiging war hero
- Hindi ‘pasaway’ ang mga dinukot, pinatay ng diktadura
- Proyektong ginastusan, walang pakinabang
- Naghirap ang mga Filipino sa ilalim ni Marcos
- Ang kasalanan ni Senior, kasalanan ni Junior
- Convicted na magnanakaw kahit hindi nakakulong
- Hindi proyekto ni Marcos Jr. ang Bangui windmills
- Walang Tallano Gold – wala, wala, wala!
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.