Commission on Elections

[PODCAST] Beyond the Stories: Ang milyon-milyong kontrata ng F2 Logistics mula sa Comelec

Rappler
Paano ba pinipili ang mga kompanyang nakakakuha ng kontrata mula sa gobyerno?

Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on SpotifyApple Podcasts, and Anchor.

Nakakuha ng kontratang aabot sa kalahating bilyong piso mula sa Commission on Elections ang F2 Logistics, isang kompanyang pag-aari ng Duterte ally at campaign donor na si Dennis Uy. 

Ang kontrata ay para sa paghahatid sa mga probinsiya ng mga suplay na gagamitin para sa 2022 elections. Kaya naman umaalma ang maraming grupo, kabilang ang election watchdogs, sapagkat conflict of interest daw ito.

Sa episode na ito, pag-uusapan nina Rappler reporters Dwight de Leon at Lian Buan at researcher-writer Jodesz Gavilan ang isyung ito. 

Sinusundan ni De Leon ang Comelec, habang binabantayan ni Buan ang government contracts.

Bakit ba importanteng bantayan ang mga kontrata sa pagitan ng Comelec at mga pribadong kompanya? Paano pinipili ang mga kompanyang nakakakuha ng kontrata mula sa gobyerno? Ano ang mga red flag na dapat tingnan?

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay serye ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Filipinas. – Rappler.com

Panoorin at pakinggan ang latest episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories: