MANILA, Philippines – Sa matagal na panahon, sa maraming eleksiyon na nagdaan, ang alam ng karamihan na saklaw ng pagbabantay o poll watching ay ang pagtigil sa presinto sa araw ng halalan para tingnan kung tama ang pagbibilang ng boto at ang paghahatid ng election returns sa munisipyo.
Sa marami na ring nasaksihan nating halalan, nalaman na natin ang pagbabantay para siguruhing tapat at malinis ang eleksiyon ay nagsisimula nang mas maaga – sa pagpapalista pa lamang ng mga botante at pag-iimprenta ng mga balota. Nang maging automated ang bilangan, kasama na ang code review at testing at sealing ng vote-counting machines sa binabantayan.
Sa Episode 11 ng Ask Your Election Lawyer, pag-uusapan nina Rappler investigative editor Miriam Grace A. Go at election lawyer and Rappler columnist Emil Marañon kung ano-ano ang dapat malaman at bantayan sa proseso ng paghahanda sa eleksiyon, pagboto, pagbibilang ng boto, at pagpoproklama ng mga mananalo.
Samahan ninyo kami ngayong Lunes, Mayo 2 – isang linggo bago ang 2022 Philippine elections – ika-7 ng gabi. – Rappler.com
Panoorin o pakinggan ang iba pang episode ng Ask Your Election Lawyer:
- Ask Your Election Lawyer: Oplan Baklas
- Ask Your Election Lawyer: Permit dito, permit doon
- Ask Your Election Lawyer: Tigil-proyekto, tigil-serbisyo?
- Ask Your Election Lawyer: Promises = Vote Buying?
- Ask Your Election Lawyer: ‘Pag government employee, bawal?
- Ask Your Election Lawyer: Libre-kampanya ng nakaupo?
- Ask Your Election Lawyer: Malayo man, malapit din…ang boto
- Ask Your Election Lawyer: ‘Hindi kami bayad – abonado pa!’
- Ask Your Election Lawyer: Ano ang ambag mo?
- Ask Your Election Lawyer: Ligtas na pagboto sa panahon ng pandemya
How does this make you feel?