SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

Maghahalal ang mga Filipino ng bagong pangulo at iba pang opisyal sa Mayo 9, 2022.
Makabubuting habang maaga ay alamin ng mga botante kung ano-anong kapangyarihan ang ibinibigay nila at ano-ano ang pananagutan at paglilingkod na kanilang maaasahan – katunayan, dapat nilang hingin – kapag inihalal nila ang isang kandidato.
Sa 2022, maghahalal tayo ng bagong pangulo, bagong pangalawang pangulo, 12 senador, daan-daang kinatawan ng distrito, mga organisasyong nasa party list na magnonomina ng mga kinatawan, at libo-libong opisyal ng mga lalawigan, lungsod, at bayan.
Kapag nahalal at nakapanumpa na sa tungkulin, mapapasa-kanila ang kapangyarihang mamahala, ngunit mayroon ding pamantayan na kailangang sundin at pananagutang dapat tupdin, kagaya ng nakasaad sa 1987 Konstitusyon ng Filipinas, ang Administrative Code, at ang Local Government Code of 1991.
Gamiting gabay ang seryeng ito ng Rappler para sa pagpili ng mga mamamahala sa atin sa susunod na tatlo hanggang anim na taon simulang Hunyo 30, 2022. Dinedetalye rito ang mga kalipikasyon, kapangyarihan, at pananagutan na kaakibat ng bawat isang halal na posisyon:
- Mga Kapangyarihan at Katungkulan: Pangulo, Pangalawang Pangulo
- Mga Kapangyarihan at Katungkulan: Senador
- Mga Kapangyarihan at Katungkulan: Kinatawan ng Distrito, Kinatawan ng Party List
- Mga Kapangyarihan at Katungkulan: Gobernador, Bise Gobernador, Miyembro ng Sangguniang Panlalawigan
- Mga Kapangyarihan at Katungkulan: Punong-Lungsod, Pangalawang Punong-Lungsod, Konsehal
- Mga Kapangyarihan at Katungkulan: Punong-Bayan, Pangalawang Punong-Bayan, Konsehal
– Rappler.com
Isinalin ni Miriam Grace A. Go mula sa orihinal na Ingles.
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.