Marcos ill-gotten wealth

Marcos Imbento, Bistado: Convicted na magnanakaw kahit hindi nakakulong

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

Marcos Imbento, Bistado: Convicted na magnanakaw kahit hindi nakakulong
Korte ang humatol na nagnakaw ang pamilyang Marcos sa kaban ng bayan. Bilyon-bilyong halaga na ang nabawi ng gobyerno mula sa kanila.

MANILA, Philippines – Paulit-ulit na lamang nating naririnig na hindi naman daw napatunayang magnanakaw ang pamilya ng tumatakbo sa pagkapresidente na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. 

Katunayan, sabi ng kanilang mga tagasuporta, wala pa ngang nakukulong na Marcos.

Isa itong napakalaking kasinungalingan.

Panoorin ang Tiktok explainer nina Rappler multimedia reporter Rambo Talabong at researcher-writer Jodesz Gavilan kung saan tinalakay niya ang ilang mga patunay na nagnakaw ang pamilyang Marcos, at kung bakit hindi nakukulong ang sinoman sa kanila sa kabila nito.

@rambotalabong Bakit malaya ang mga Marcos kahit nagnakaw sila? #marcosfamily #corruptionph #newsph #bbm #rappler #newsexplained ♬ original sound – Rambo Talabong

Bilyon-bilyon na rin ang nabawing nakaw na yaman ng mga Marcos. Pangalawa, mismong Korte Suprema na ang nagsabing ang nakaw na yaman ng mga Marcos ang nakalagay sa mga Swiss foundation.

Bakit nga ba hindi sila nakukulong hanggang ngayon? Ang napagdedesisyonan pa lamang ay ang kasong civil, at hindi kriminal. Noong panahong nagnakaw sila, wala pang batas laban sa pandarambong ng higit P50 milyon, kaya ipinasasauli na lang ang ninakaw nila.

Si Imelda Marcos, ang asawa ng diktator, ay hinatulan ng Sandigabayan noong 2018 na “guilty beyond reasonable doubt” sa pangunguwarta noong siya ay opisyal ng gobyerno. Hindi siya nakulong bilang awa umano, dahil matanda na siya – kahit na napakaraming kasing-edad niya ang nasa piitan dahil sa mas magagaan na kaso.

Basahin ang ilan pang Rappler articles tungkol sa nakaw na yaman ng mga Marcos at mga ginawa ng gobyerno para mabawi ang mga ito:

Ang Marcos Imbento, Bistado ay isang Rappler series kung saan titibagin ang mga kasinungalingan at kathang isip na bumabalot sa pamilyang Marcos at sa Martial Law. – Rappler.com

Basahin ang iba pang Marcos Imbento, Bistado:

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI
Download the Rappler App!