2022 Philippine Elections

[VIDEO EDITORIAL] Ang boksing sa Senado at ang circus 2022

Rappler.com
[VIDEO EDITORIAL] Ang boksing sa Senado at ang circus 2022
Nangangalingasaw na ang alimuom ng eleksiyon. Ang dating magkakakampi, ngayo'y magkakatunggali na.

Natapos na ang Mayo at magtatapos na rin ang sesyon ng Senado. Sa totoo lang, mami-miss namin si Senador Bong Go at ang kanyang… katalinuhan. 

Paano ba magpasikat kapag uhuging senador ka pa lang? Eh ‘di banggain ang pinaka-beteranong senador – si Senador Franklin Drilon.

Sumugod si Bong Go. Kumbaga sa boksing – bam! – knockout sa Round 1. 

Matapos manumbat na dine-delay raw ng interpellation ni Drilon ang mga bills na magpapabuti ng takbo ng mga ospital – sinopla ni Drilon si Go.

Kung umandar sana ang bill na ito nitong labinlimang buwang nakalipas, kinaya sana ng mga ospital ang delubyo ng mga COVID-19 na pasyente.

Sa harap ng mga iringan sa Senado, nagsimula nang makita ng publiko ang internal na hidwaan sa partido ng Pangulo, ang PDP-Laban.

Nangangalingasaw na ang alimuom ng eleksiyon. Ang dating magkakakampi, ngayo’y magkakatunggali na.

Kung meron tayong dapat na takeaway sa mga pangyayaring ito ay buyer beware: Ang mga ibinoto natin noong 2016 ang walang silbi sa atin ngayong pandemya.

Mukhang sila pa rin ngayon ang nagkakandarapang pumosisyon upang muli tayong ululin sa susunod na halalan.

Sana’y matuto naman tayo. #WeDecide. – Rappler.com

BASAHIN: [EDITORIAL] Ang boksing sa Senado at ang circus 2022

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!