![[PODCAST] Beyond the Stories: Eleksiyon na, andiyan na ang mga artista!](https://www.rappler.com/tachyon/2022/03/newsbreak-beyond-the-stories-landscape-with-topic2.jpg)
MANILA, Philippines – Hindi maikakaila na inaabangan ng marami kung sinong mga artista at sikat na tao ang mag-eendoso at mangangampanya para sa mga kandidato tuwing eleksiyon.
Para sa halalan ngayong 2022, katulad ng mga nagdaang eleksiyon, bawat kampo ng mga politiko ay may dala-dalang mga artista habang nag-iikot at nanliligaw ng mga botante sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Ngunit kasabay nito ay ang walang tigil na patutsadahan ng mga tagasuporta ng iba’t ibang panig tungkol sa kung sino ang bayad at sino ang hindi sa endorsers na ito.
Tatalakayin nina Rappler life & style and entertainment editor Marguerite de Leon, reporter Ysa Abad, at researcher-writer Jodesz Gavilan kung bakit nga ba malaking parte ng halalan ang mga artista at iba pang klase ng celebrities.
Ano-ano ang konsiderasyon ng isang artista bago nito iendoso ang isang kandidato?
Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay serye ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com
Panoorin at pakinggan ang latest episodes:
- Bakit dapat may pakialam ang Pilipinas sa Ukraine?
- Malaking problema ang puro replay na episodes ng DepEd TV
- Bakit may mga rehiyong kulang pa rin ang COVID-19 bakuna?
- Ano-ano ang kakaibang aasahan sa kampanya sa 2022 eleksiyon?
- Media landscape ngayong nasa iba na ang dating ABS-CBN frequencies
- Marcos Jr. puwede pa bang maetsapuwera sa eleksiyon?
- Bakit lumobo ang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas?
- Ano’ng dapat malaman tungkol sa Omicron variant?
- Eksperimento sa face-to-face classes
- Ang milyon-milyong kontrata ng F2 Logistics mula sa Comelec
- Mga petisyon laban sa pagtakbo ni Bongbong Marcos
- Sapat ba ang suporta ng gobyerno sa mga PUV driver?
- Kailan maaabot ng Filipinas ang COVID-19 vaccination target?
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.