SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

MANILA, Philippines – Isang malaking kasinungalingan ang sinasabing “golden years” ng Pilipinas ang panahon sa ilalim ng diktador na si Ferdinand Marcos.
Hindi totoong umunlad ang bansa sa kanyang pamumuno. Napag-iwanan nga ang Pilipinas ng mga karatig-bansa nito sa Asia.
Ang kahirapang dinanas ng mga Filipino sa ilalim ng Martial Law ni Marcos ay hindi lamang dahil sa mga abusong nangyari. Ramdam din ito sa pagkalam ng tiyan at kawalan ng laman ng bulsa ng mga mamamayan.
Panoorin ang TikTok explainer ni Rappler multimedia reporter Rambo Talabong, batay sa research ni Jodesz Gavilan, tungkol sa ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ni Marcos at ang hirap na dinanas ng mga Filipino noon.
@rambotalabong Golden era ng Pilipinas noong Martial Law? Mali ang lola mo. #martiallaw #ferdinandmarcos #philippines #phhistory #rappler #historytok ♬ original sound – Rambo Talabong
Sa ilalim ni Marcos, naitala ang pinakamataas na inflation rate ng Pilipinas. Umabot ito lagpas 50% noong 1984 – 19 na taon matapos na una siyang maupo bilang presidente. Ibig sabihin, ang mga presyo ng bilihin noong 1984 ay 50% ang itinaas kung ikukumpara noong 1983.
Hindi rin naman lumaki ang suweldo ng mga Filipino kahit na nagmahal ang mga bilihin. Ang totoo pa nga, maraming Filipino na employed pero naghahangad pa ng dagdag na trabaho upang mas kumita para mas matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.
Sabi pa nga ng mga ekonomista, ang paghina ng ekonomiya sa mga huling taon ni Marcos sa Pilipinas ay katumbas ng pagkawala ng dalawang dekadang pag-unlad. Kung hindi raw dahil kay Marcos, baka naging mas maunlad pa ang Pilipinas ngayon.
Baka nga lagpas tatlo o hanggang apat na beses na mas malaki pa ang kita ng bawat Filipino kung nagkataon.
Basahin ang iba pang Rappler articles tungkol sa sitwasyon sa ilalim ni Marcos:
- Marcos years marked ‘golden age’ of PH economy? Look at the data
- Were it not for Marcos, Filipinos today would have been richer
- [ANALYSIS] Hindi ‘golden age’ ng ekonomiya ang Batas Militar
- [ANALYSIS] Golden age? Inflation reached 50% during the Marcos regime
- Ferdinand Marcos’ economic disaster
- FALSE: PH economy got worse after Marcos was ousted
- We lined up for rice rations in Marcos ‘golden era’ – Colmenares
- BREAKDOWN: P174B recovered from Marcos loot, P125B more to get
Ang Marcos Imbento, Bistado ay isang Rappler series kung saan titibagin ang mga kasinungalingan at kathang-isip na bumabalot sa pamilyang Marcos at sa Martial Law. – Rappler.com
Basahin ang iba pang Marcos Imbento, Bistado:
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.