SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
![[PODCAST] Beyond the Stories: Ayuda at bakuna sa ilalim ng ECQ](https://www.rappler.com/tachyon/2021/08/nb-vaccine.jpg)
Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on Spotify, Apple Podcasts, and Anchor.
Isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang maraming lugar sa Pilipinas nitong Agosto dahil sa banta ng Delta coronavirus variant.
Maliban sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso, umuusbong din ang mga problemang hinaharap ng mga Filipino, katulad ng ayuda at access sa bakuna laban sa COVID-19.
Sa podcast episode na ito, tinalakay nina Rappler multimedia reporters Aika Rey, Dwight de Leon, at researcher-writer Jodesz Gavilan ang mga isyu tungkol sa ayuda at bakuna sa panahon ng ECQ.
Sinusundan ni Rey ang ekonomiya at budget, samantalang tinututukan naman ni De Leon ang mga lokal na pamahalaan.
Ano ang dapat gawin sa loob ng dalawang linggong ECQ? Ayon kay Rey, dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno na hindi maging pabago-bago o magkakaiba ang paraan ng pagpapamigay ng ayuda:
Iyong sa ayuda, it’s very important na ma-polish nila (gobyerno) ang proseso. Kasi kung wala silang (tao) matatanggap, mapipilitan at mapipilitan talaga silang lumabas ng bahay. It’s very important na ma-polish ang proseso. Kasi nagkaroon ng discussion, merong back and forth ang Metro Manila Development Authority at Department of Social Welfare and Development. Kasi ang MMDA, at first, was recommending na face-to-face ang distribution ng cash aid, but DSWD was saying na meron naman paraan through apps or even mobile wallets na ginagamit nating lahat. Or even the ATM. Kasi ang mga 4Ps beneficiaries, for example, may ATM sila kasi matagal na sila nakakatanggap from the government. It’s important na itong pangatlong pagbibigay ng ayuda na ma-determine nila kung ano ba talaga dapat ang mode of distribution at kung ano ’yung mass efficient.
Para naman kay De Leon, importante na patuloy ang pagdating ng supply ng bakuna sa mga LGUs para hindi na maragdagan ang problema:
Parang natigil ang momentum ng mga LGUs. Ang hirap kasing ma-sustain ang vaccination rollout when hindi mo alam kung kailan dadating ang bakuna, or kung consistent ang pagpapadala ng bakuna from the national government. Kasi kailangan mo i-prepare ang manpower mo, kailangan ng outlook kung ilang vaccination sites ang mag-o-open sa isang araw. Pero s’yempre kung mabibigla ka na wala palang dadating na bakuna, then that’s complicating the efforts of local governments.
Ano ang dapat gawin ng gobyerno upang mas maging maayos at mabilis ang pagbabakuna? Bakit importante na maging maayos ang mga ito sa loob ng dalawang linggong enhanced community quarantine?
Pakinggan ang podcast at panooring ang video:
![[PODCAST] Beyond the Stories: Ayuda at bakuna sa ilalim ng ECQ](https://img.youtube.com/vi/mW7m1RG8WaQ/sddefault.jpg)
Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com
Pakinggan ang latest episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories:
- Propaganda sa social media tungo sa 2022 elections
- Ang banta ng mapanganib na Delta variant
- Gulo sa PDP-Laban
- Bakit may pondo na hindi nagastos laban sa pandemya?
- Balik-tanaw sa 5 taon ni Pangulong Duterte
- Ang pagsilip ng ICC sa ‘crimes against humanity’ ni Duterte
- May maaasahan pa bang hustisya sa drug war ni Duterte?
- Paano magiging epektibo ang flexible learning sa kolehiyo?
- Sino ang terorista sa ilalim ng anti-terror law?
- Bakit importante ang herd immunity laban sa COVID-19?
- Halalan 2022 sa gitna ng pandemya
- Mga problema ng manggagawa hatid ng pandemya
- Lahat na lang ay sinasabing komunista sa ilalim ni Duterte
- Ano ang epekto ng 2 linggong ECQ sa ‘NCR Plus’?
- Ang panibagong panggugulo ng China sa West Philippine Sea
- Mga problema sa ayuda ngayong pandemya
- Ang lumalalang coronavirus pandemic sa Pilipinas
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.