
Napakaraming sabi-sabi tungkol sa kung ano ang ginagawa ni Ferdinand Marcos bago siya nahalal na pangulo noong 1965.
Natalakay na natin ang kasinungalingang naging abogado siya diumano ng isang Tallano family, ngunit isa pang naratibo na ikinakalat ng kanyang kampo ay ang pagiging isang war hero diumano ni Marcos.
Naging lider pa siya diumano ng guerilla group noong World War II, at nakatanggap ng maraming medalya mula sa Estados Unidos.
Hindi totoo ang mga ito. Kasinungalingan ang ipinagmamayabang nilang war record ng diktador.
Panoorin ang TikTok explainer ni Rappler multimedia reporter Rambo Talabong, batay sa research ni Jodesz Gavilan, para malaman kung bakit isang malaking ilusyon lamang ni Marcos ang pagiging war hero.
@rambotalabong Pagiging war hero, ilusyon lamang ni Ferdinand Marcos #fem #marcos #martiallaw #phhistory #kasaysayan #rappler ♬ original sound – Rambo Talabong
Mismong National Historical Commission of the Philippines ang nagsabi na nagsinungaling si Marcos. Ayon sa kanilang pananaliksik, na kanilang inilabas noong 2016, hindi kinilala ng US ang guerilla unit ni Marcos na Ang Mga Maharlika. Pati ang kanyang war medals ay hindi totoo, ayon sa NHCP.
Ayon sa isang dokumento ng US military na may petsang Marso 1948, “fraudulent” daw ang guerilla unit ni Marcos.
Inapela ito ni Marcos, pero imbes na maging pabor sa kanya ang desisyon, lumitaw pa ang iba pang kaduda-dudang detalye tungkol sa military career ni Marcos. Isa rito ang pangongolekta niya diumano ng pera nang walang permiso mula sa mga opisyales.
Hindi na bago ang pagtibag sa kasinungalingan tungkol sa war record ni Marcos. 1980s pa lamang ay umusbong na ang mga artikulo na nagpapatunay na hindi ito totoo. Pero patuloy pa rin itong ginagamit ng kanyang pamilya at mga tagasuporta para pabanguhin ang kanyang pangalan.
Basahin ang iba pang Rappler articles tungkol sa mga kasinungaling pumapalibot sa military career ni Marcos.
- What’s the issue with Marcos’ World War II ‘medals’ again?
- FALSE: Marcos was a guerrilla leader during World War II
- Josefa Marcos nagsinungaling din tungkol sa papel niya sa World War II
Ang Marcos Imbento, Bistado ay isang Rappler series kung saan tinitibag ang mga kasinungalingan at kathang-isip na bumabalot sa pamilyang Marcos at sa Martial Law. – Rappler.com
Basahin ang iba pang Marcos Imbento, Bistado:
- Hindi ‘pasaway’ ang mga dinukot, pinatay ng diktadura
- Proyektong ginastusan, walang pakinabang
- Naghirap ang mga Filipino sa ilalim ni Marcos
- Ang kasalanan ni Senior, kasalanan ni Junior
- Convicted na magnanakaw kahit hindi nakakulong
- Hindi proyekto ni Marcos Jr. ang Bangui windmills
- Walang Tallano Gold – wala, wala, wala!
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.