Marcos family

Marcos Imbento, Bistado: Mga kasinungalingan, kathang-isip na dapat tibagin

Rappler.com
Marcos Imbento, Bistado: Mga kasinungalingan, kathang-isip na dapat tibagin
Panoorin ang maiikling Tiktok videos na puno ng tamang impormasyon at datos na nagtatama at naglilinaw sa mga kasinungalingan at kathang-isip na bumabalot sa mga Marcos at Martial Law

MANILA, Philippines – Nabubuhay sa kasinungalingan ang pamilyang Marcos.

Makalipas ang lagpas tatlong dekada mula nang mapatalsik ang diktador na si Ferdinand Marcos, patuloy pa rin ang mga maling paniniwala tungkol sa nangyari sa Pilipinas noong Martial Law. Mas lumala ito noong tumakbo sa pagkapangulo ang kanyang anak na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ang Marcos Imbento, Bistado ay isang Rappler series kung saan titibagin ang mga kasinungalingan at kathang-isip na bumabalot sa pamilyang Marcos at sa Martial Law. 

Bawat linggo ay may maikling Tiktok video kung saan tinatalakay ni Rappler multimedia reporter Rambo Talabong, batay sa research ni Jodesz Gavilan, ang mga datos at iba pang impormasyong nagtatama at naglilinaw sa mga kumakalat na kasinungalingan.

Panoorin ang mga episode ng Marcos Imbento, Bistado. Maaari ring i-click ang link para basahin ang mas mahabang article.

Episode 1: Walang Tallano Gold – wala, wala, wala!

Isa ka ba sa mga naniniwala na may milyon-milyong tolenadang ginto mula sa Tallano royal family ang mga Marcos? At mabibiyayaan nito ang mga Filipino kung manalo si Marcos Jr. bilang pangulo? Pinapaasa ka lang kasi wala namang Tallano gold.

Pero sino nga ba ang may pakana ng kasinungalingang ito?

@rappler Lahat ba tayo makakakuha ng ginto mula sa mga #Marcos ? Panoorin si @rambotalabong #fyp #foryou #foryoupage #newsph #rappler ♬ original sound – Rappler
@rappler Saan galing ang gawa-gawang kwento tungkol sa Tallano gold? Panoorin si @rambotalabong #tallanogold #marcosgold #bbm #rappler #newsph #fyp ♬ original sound – Rappler

Episode 2: Hindi proyekto ni Marco Jr. ang Bangui windmills

Malaking parte ng imahen ni Marcos Jr. ang Bangui windmills sa Ilocos Norte. Nakikita ito sa kaniyang mga Youtube video, pati na rin sa political advertisements na napapanood sa telebisyon.

Ngunit hindi niya ito proyekto. Hindi niya rin ito ideya. Galing na mismo sa kanyang bibig na isa itong “private commercial enterprise.”

@rappler Sino nga ba ang nagpatayo ng windmills ng Ilocos Norte? Panoorin si @rambotalabong #marcos #bbm #rappler #newsph #fyp ♬ original sound – Rappler

Episode 3: Convicted na magnanakaw kahit hindi nakakulong

Isang napakalaking kasinungalingan ang mga sabi-sabi na hindi naman daw napatunayang magnanakaw ang pamilyang Marcos. Bilyon-bilyon na rin ang nakaw na yaman na nabawi ng gobyerno sa kanila. Nahatulan na ngang guilty ang dating first lady na si Imelda Marcos, ngunit nakalaya lamang dahil matanda na raw ito.

Ang magnanakaw, kahit na malaya, ay magnanakaw pa rin.

@rappler Korte ang humatol na nagnakaw ang pamilyang Marcos sa kaban ng bayan. Pero bakit malaya pa rin sila? Panoorin si @rambotalabong #fyp #newsph #tiktokph ♬ original sound – Rappler

Episode 4: Ang kasalanan ni Senior, kasalanan ni Junior

Pilit na inilalayo ni Marcos Jr. ang kanyang sarili sa mga nangyaring malawakang nakawan at abuso sa ilalim ng Martial Law ng kanyang tatay na diktador. Sabi ng kanyang mga tagasuporta, hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng ama!

Hindi totoo na walang dapat pananagutan ang nag-iisang anak na lalaki at kapangalan ng diktador. Nakinabang siya sa mga nakaw na yaman ng kanyang pamilya, at naging saksi sa mga abuso. Hanggang ngayon, pera pa rin ng taumbayan ang bumubuhay sa kanya.

@rappler Ang kasalanan ng ama, kasabwat at nakinabang ang anak. Panoorin si @rambotalabong #martiallaw #marcos #bbm #newsph #fyp #rappler ♬ original sound – Rappler

Episode 5: Naghirap ang mga Filipino sa ilalim ni Marcos

“Golden years” daw ang naranasan ng Pilipinas sa ilalim ni Marcos? Hindi ito totoo. Napag-iwanan nga ang Pilipinas ng mga karatig-bansa nito sa Asia.

Ang kahirapan na dinanas ng mga Filipino sa ilalim ng Martial Law ay hindi lamang dahil sa mga abuso na nangyari. Ramdam din ito sa pagkalam ng tiyan at kawalan ng laman ng bulsa ng mga mamamayan. 

@rappler Golden era nga ba ng Pilipinas noong panahon ng Martial Law ni Marcos? Panoorin si @rambotalabong #marcos #martiallaw #newsph #fyp #rappler ♬ original sound – Rappler

Episode 6: Proyektong ginastusan, walang pakinabang

Marami ngang naipatayong impraestruktura sa ilalim ng diktadurang Marcos (makakarami nga siguro dahil 20 taon na nakaupo), ngunit sa likod ng mga ito ay malalaking utang at korupsiyon na lalong nagpabagsak ng ekonomiya ng Pilipinas.

Ilan sa malalaking proyektong ito ay nilumot lang dahil hindi naman nagamit o napakinabangan.

@rambotalabong Mga gusali sa panahon ng diktador na Marcos, puro korapsyon at display lamang #martiallaw #marcos #phhistory #kasaysayan #rappler ♬ original sound Rambo Talabong

Episode 7: Hindi ‘pasaway’ ang mga dinukot, pinatay ng diktadura

Malaking kasinungalingan ang pinapakalat sa social media na mga kriminal o di kaya’y mga pasaway ang tinatarget ng estado noong Martial Law. Hindi rin totoo na wala dapat ikatakot noong panahon na iyon.

Ayon sa Amnesty International, mula 1972 hanggang 1981 ay 3,240 ang namatay habang 70,000 ang nakulong at 34,000 ang dumanas ng tortyur sa kamay ng mga militar at pulis. Hindi pa kabilang sa mga numerong ito ang libo-libong Filipino na dinukot at tuluyan nang hindi nahanap ng kanilang mga pamilya.

@rappler Hindi mga pasaway ang pinatay noong #MartialLaw. At kahit na pasaway sila, di dapat sila pinatay. #fyp #foryou #TiktokPH #rappler ♬ original sound – Rappler

Episode 8: Ilusyon lang ni Ferdinand Sr. ang pagiging war hero

Napakaraming sabi-sabi tungkol sa kung ano ang ginagawa ni Ferdinand Marcos bago siya nahalal na pangulo noong 1965. Natalakay na natin ang kasinungalingang naging abogado siya diumano ng isang Tallano family, ngunit isa pang naratibo na ikinakalat ng kanyang kampo ay ang pagiging isang war hero diumano ni Marcos. 

Naging lider pa siya diumano ng guerilla group noong World War II, at nakatanggap ng maraming medalya mula sa Estados Unidos. Hindi totoo ang mga ito. Kasinungalingan ang ipinagmamayabang nilang war record ng diktador. 

@rappler Kasinungalingan ang pinagmamayabang nilang war record ng diktador. Panoorin si @rambotalabong #fyp #Rappler #marcos #foryoupage ♬ original sound – Rappler

Episode 9: 21 years na opisyal, laging absent si Ferdinand Jr. sa Ilocos Norte

Isang lingkod-bayan na may lubos na karanasan ang imaheng pilit na idinidikit sa anak ng diktador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong tumatakbo siya sa pagkapangulo ng Pilipinas.

Matagal nga siyang nanungkulan sa gobyerno – kung susumahin, 27 na taon na rin siyang naging politiko. Pero isinabuhay ba niya talaga ang pagiging public servant? Hindi.

@rappler 21 years na opisyal, laging absent si Ferdinand Jr. sa Ilocos Norte. Panoorin ang paliwanag ni Rappler reporter @rambotalabong #fyp #foryoupage #rappler #marcos ♬ original sound – Rappler

Episode 10: ‘Unity’ ginagamit ni Ferdinand Jr. na pantakip sa mga atraso

 Pagkakaisa ang pilit na ibinabandera ng anak ng diktador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang pagtakbo sa pagkapangulo. Para sa kanya, ito ang sagot sa maraming problemang kinakaharap ng mga Pilipino. Unity raw ang susi sa isang kinabukasang mapayapa at maayos para sa Pilipinas. 

Hindi naman maikakaila kung gaano kaimportante ang pagkakaisa, pero masyado yatang taliwas ang diwa nito sa isinasabuhay ni Marcos at galaw ng kanyang kampo.

@rambotalabong Para kay #BBM, pagkakaisa ang sagot sa mga problema ng Pilipinas. Ano ang pagkakaisa para sa kanya? #halalan2022 #phvote #phnews #balita #rappler #eleksyon2022 ♬ original sound – Rambo Talabong

Episode 11: Dati nang sinisingil, lagi lang tumatakbo

Malaking kasinungalingan ang sinasabi ng pamilyang Marcos na dahil lamang sa politika at eleksiyon kaya ibinabato sa kanila ang iba’t ibang isyu tungkol sa kanilang mga nakaw na yaman, abuso noong Martial Law, at ang hindi pa binabayarang estate tax.

Niloloko lamang ng mga Marcos ang taumbayan kung ito ay kanilang ipipilit. Napakaraming pruweba na ilang dekada na rin silang sinisingil sa kanilang mga kasalanan sa mga Pilipino. Pero anong nangyari? Tinatakbuhan ng mga Marcos ang kanilang mga atraso. Maraming beses pa ngang pilit nilang binubura o binabaliktad ang kuwento.

@rappler Dati pa sinisingil ang mga Marcos, lagi lang silang tumatakbo. Panoorin ang paliwanag ni Rappler reporter @rambotalabong #fyp #foryoupage #rappler #marcos ♬ original sound – Rappler

Episode 12: Pa-victim ang tunay na salarin ng fake news

Biktima nga ba ng propaganda at maling impormasyon ang pamilya ng diktador na si Ferdinand Marcos? Kinakawawa lang ba talaga ang pamilyang Marcos mula noong sila’y mapatalsik noong 1986 at lalo na ngayong tumatakbo sa pagkapangulo si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.?

Hindi ito totoo. Malaking kasinungalingan ang mga sabi-sabi na sila ang inaagrabyado.

@rambotalabong History is written by the victors? Outdated na yan. #marcos #phhistory #kasaysayan #bbm #phnews #rappler #tiktokexplainer ♬ original sound – Rambo Talabong

Episode 13: Hindi dinaya si Marcos Jr. noong 2016, natalo talaga

Patuloy pa rin sa pagkakalat ng kasinungalingan ang kampo ng anak ng diktator na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa isang panibagong patalastas, pasundot niyang pinaalalahanan ang kanyang mga tagasuporta na huwag daw hahayaan na manakawan muli ng desisyon sa Mayo 9. Pasaring ito sa walang kamatayang kasinungalingang siya’y dinaya noong 2016 kaya siya natalo ni Leni Robredo sa pagkabise presidente.

Pero ang mga ito ay hindi totoo, at dagdag lamang sa napakaraming kasinungalingan ng mga Marcos ngayong kampanya.

@rambotalabong Tinalo si Marcos, hindi siya dinaya. #halalan2022 #phvote #bbm #eleksyon2022 #rappler #factcheck #phnews ♬ original sound – Rambo Talabong

Episode 14: Hindi proyekto ni Ferdinand Marcos ang Nutribun!

Marami ang nagsasabi na babalik na raw ang Nutribun dahil nanalo sa pagkapangulo ang anak ng diktador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Tulad na lamang ng kanyang plano’t plataporma, walang kasiguraduhan kung talaga nga bang magbabalik ang tinapay na ipinamigay sa mga kabataan noong 1970s.

Alam ninyo kung ano ang sigurado’t totoo? Tulad ng windmills sa Ilocos Norte na hindi proyekto ni ideya ng gobernador na si Bongbong, ang Nutribun ay hindi proyekto ni ideya ng pangulong si Ferdinand Marcos.

@rambotalabong Pati tinapay biktima ng kasinungalingan ng mga Marcos. #nutribun #bbm #marcos #newsph #phnews #rappler #factcheck ♬ original sound – Rambo Talabong

Episode 15: Karahasan, pagnanakaw, at kahirapan ang bakas na iniwan ni Ferdinand Marcos

Sa mismong araw ng proklamasyon bilang pangulo ng anak ng diktador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., lumabas na agad ang tila puno’t dulong dahilan kung bakit nga ba siya tumakbo sa pagkapresidente.

Nanggaling ito sa bibig mismo ng kanyang nakakatandang kapatid na si Senador Imee Marcos. Sabi niya sa isang interview sa CNN Philippines, ang pinakaimportante para sa kanila ay ang kanilang pangalan. 

Aniya, nais nilang bigyang linaw ang legacy kuno ng kanilang tatay. Pero wala namang dapat nang bigyang linaw dahil klarong klaro naman na ang legacy ng kanilang tatay ay: karahasan, pagnanakaw, at kahirapan.

@rambotalabong Klaruhin natin, Senator Imee. #marcos #marcosfamily #phhistory #kasaysayan #rappler #phnews #newsph #neverforget ♬ original sound – Rambo Talabong

Huwag kalimutang i-bookmark ang page na ito para mapanood pa ang mga susunod na episode. Maaari ring mapanood sa Facebook at Youtube ang Marcos Imbento, Bistado episodes. – Rappler.com

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.