
MANILA, Philippines – Sa mismong araw ng proklamasyon bilang pangulo ng anak ng diktador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., lumabas na agad ang tila puno’t dulong dahilan kung bakit nga ba siya tumakbo sa pagkapresidente.
Nanggaling ito sa bibig mismo ng kanyang nakakatandang kapatid na si Senador Imee Marcos. Sabi niya sa isang interview sa CNN Philippines, ang pinakaimportante para sa kanila ay ang kanilang pangalan.
Aniya, nais nilang bigyang linaw ang legacy kuno ng kanilang tatay. Pero wala namang dapat nang bigyang linaw dahil klarong klaro naman na ang legacy ng kanilang tatay ay: karahasan, pagnanakaw, at kahirapan.
Panoorin ang TikTok explainer ni Rappler multimedia reporter Rambo Talabong, batay sa research ni Jodesz Gavilan, para mas bigyang klaro ang mga ginawa ng diktador sa Pilipinas.
@rambotalabong Klaruhin natin, Senator Imee. #marcos #marcosfamily #phhistory #kasaysayan #rappler #phnews #newsph #neverforget ♬ original sound – Rambo Talabong
Ang unang dapat matandaan ay ang Martial Law na pinatupad ni Marcos ay nagresulta sa walang awang karahasan.
Libo-libo ang namatay, nakulong, at dumanas ng tortyur sa kamay ng mga militar at pulis. Libo-libo rin ang dinukot at tuluyan nang hindi nakita. Ang mga biktima ay hindi lamang mga aktibista kundi pati mga estudyante, doktor, at mga kamag-anak ng mga peryodista, na ang nais lang naman ay maayos na pamamahala.
Pangalawa, naging mahirap ang buhay ng mga Filipino sa ilalim ng tatay ng president-elect.
Bagsak ang ekonomiya at naitala pa nga ang pinakamataas na inflation rate sa bansa. Sabi pa ng mga ekonomista, ang mahinang ekonomiya sa dulo ng pamumuno ni Marcos ay katumbas ng pagkawala ng dalawang dekadang pag-unlad. Biruin mo, kung hindi dahil kay Marcos, baka umabot pa ng lagpas tatlo o hanggang apat na beses na mas malaki ang sweldo ng mga Filipino kung nagkataon.
Pangatlo, magnanakaw ang pamilyang Marcos.
Mismong Korte Suprema na ang nagsabing ang nakaw na yaman ang nakalagay sa mga Swiss foundation. Bilyon-bilyon na rin ang nabawing nakaw na yaman ng mga Marcos.
Hindi kwentong barbero ang mga nabanggit na ito. Lahat ay suportado ng mga tamang impormasyon at dokumento.
Pero ano’ng nangyayari? Pilit tinatakpan ang mga kasalanan ng mga Marcos gamit ang maling impormasyon at alaala lamang ng iilang matatanda.
Ilang linggo na lamang ay babalik na ang pamilyang Marcos sa Malacañang. Dapat mas maging alisto tayo sa sinasabing “pagkaklaro” ng pamilya. Sa usapang nakaraan, kailangang tanggapin na ang panahon ng diktador na Marcos ay panahon ng karahasan, pagnanakaw, at kahirapan. At hindi dapat ito malimutan.
Basahin ang ilang Rappler reports tungkol sa nangyari noong Martial Law:
- Martial Law, the dark chapter in Philippine history
- Gone too soon: 7 youth leaders killed under Martial Law
- Worse than death: Torture methods during martial law
- BREAKDOWN: P174B recovered from Marcos loot, P125B more to get
- Kung talagang nagnakaw ang mga Marcos, bakit wala pa ring nakukulong sa kanila?
- Marcos years marked ‘golden age’ of PH economy? Look at the data
- Were it not for Marcos, Filipinos today would have been richer
Ang Marcos Imbento, Bistado ay isang Rappler series kung saan tinitibag ang mga kasinungalingan at kathang-isip na bumabalot sa pamilyang Marcos at sa Martial Law. – Rappler.com
Basahin at panoorin ang iba pang Marcos Imbento, Bistado:
- Hindi proyekto ni Ferdinand Marcos ang Nutribun!
- Hindi dinaya si Marcos Jr. noong 2016, natalo talaga
- Pa-victim ang tunay na salarin ng fake news
- Dati nang sinisingil, lagi lang tumatakbo
- ‘Unity’ ginagamit ni Ferdinand Jr. na pantakip sa mga atraso
- 21 years na opisyal, laging absent si Ferdinand Jr. sa Ilocos Norte
- Ilusyon lang ni Ferdinand Sr. ang pagiging war hero
- Hindi ‘pasaway’ ang mga dinukot, pinatay ng diktadura
- Proyektong ginastusan, walang pakinabang
- Naghirap ang mga Filipino sa ilalim ni Marcos
- Ang kasalanan ni Senior, kasalanan ni Junior
- Convicted na magnanakaw kahit hindi nakakulong
- Hindi proyekto ni Marcos Jr. ang Bangui windmills
- Walang Tallano Gold – wala, wala, wala!
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.