Ferdinand Marcos Jr.

Marcos Imbento, Bistado: 21 years na opisyal, laging absent si Ferdinand Jr. sa Ilocos Norte

Rappler.com
Marcos Imbento, Bistado: 21 years na opisyal, laging absent si Ferdinand Jr. sa Ilocos Norte
Ano ang track record na kaya niyang ipakita na magpapatunay na kaya niyang mamuno ng bansa? Parang wala.

MANILA, Philippines – Isang lingkod-bayan na may lubos na karanasan ang imaheng pilit na idinidikit sa anak ng diktador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong tumatakbo siya sa pagkapangulo ng Pilipinas.

Matagal nga siyang nanungkulan sa gobyerno – kung susumahin, 27 na taon na rin siyang naging politiko. 

Pero isinabuhay ba niya talaga ang pagiging public servant? Hindi.

Panoorin ang TikTok explainer ni Rappler multimedia reporter Rambo Talabong, batay sa research ni Jodesz Gavilan, para malaman kung anong klaseng lokal na opisyal ng Ilocos Norte ang anak ng diktador.

@rambotalabong “Experienced public servant” nga ba si #BBM? Suriin natin. #phvote #phnews #halalan2022 #newsph #rappler #journtok ♬ original sound – Rambo Talabong

Tingnan na lamang ang mga nagawa ni Marcos Jr. sa Ilocos Norte, kung saan nakapuwesto siya – bilang bise gobernador, gobernador, at kongresista – sa loob ng 21 na taon.

“Perennial absentee” governor daw siya, ayon kay Manuel Aurelio, ang dean ng College of Law ng Northwestern University sa Laoag, Ilocos Norte. Ganoon din daw noong siya ay bise gobernador mula 1980 hanggang 1983.

Ang laging humaharap sa publiko ay ang kanyang provincial administrator, bise gobernador, o di kaya ang kanyang tagapagsalita. Madalang siyang makita ng kanyang mga kababayan, at magaling lamang sa mga seremonyas ang pamilyang Marcos, ayon kay Aurelio.

Wala ring malalaking proyektong maipapakita si Marcos Jr. na nagawa niya sa Ilocos Norte. Iyong Bangui windmills na laging kasama sa mga election advertisements niya? Hindi niya ito proyekto at ideya! Siya na mismo ang nagsabi na gawa ito ng isang “private commercial enterprise.”

Ano ang track record na kaya niyang ipakita na magpapatunay na kaya niyang mamuno ng bansa? Parang wala.

Basahin ang iba pang Rappler articles tungkol sa political career ni Marcos Jr. at fact check articles tungkol sa Ilocos Norte:

Ang Marcos Imbento, Bistado ay isang Rappler series kung saan tinitibag ang mga kasinungalingan at kathang-isip na bumabalot sa pamilyang Marcos at sa Martial Law. – Rappler.com

Basahin ang iba pang Marcos Imbento, Bistado:

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.